Mga Pasilidad
Pagpopondo sa Pasilidad ng Kalusugan
Ang HCAI ay naghahandog ng tulong pinansyal sa mga karapat-dapat na pasilidad sa California sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga nakasegurong pautang para sa mga pangmatagalang proyektong kapital, mga pautang na kapital sa pangtustos sa pang-araw-araw na operasyon (working capital) para suportahan ang mga may malalaking problemang ospital, at mga gawad-tulong (grants) upang matiyak ang kaligtasan sa pagyanig ng mga ospital sa kanayunan. Alamin ang higit pa tungkol sa pagpopondo sa konstruksyon, pautang na kapital sa nagtatrabaho, at mga gawad-tulong o grants sa ibaba.
Kaligtasan ng Gusali
Kinokontrol ng HCAI ang disenyo at pagtatayo ng mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan upang matiyak na ang mga ito ay ligtas at may kakayahang magbigay ng mga serbisyo sa publiko. Nagbibigay din ang HCAI ng mga tool sa pananalapi para sa mga malalaki, pangmatagalan o kapital na proyekto. Maghanap ng impormasyon sa mga pasilidad, mga plano at permit sa gusali, pagsunod sa kinakailangan sa kaligtasan sa pagyanig (seismic compliance), mga inspeksyon, at higit pa.
Mga Manggagawa
Suporta sa Pananalapi at Mga Gawad-Tulong
Pinapabuti ng HCAI ang pag-abot o aksesibilidad sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholarship, pagbabayad ng utang, at mga gawad-tulong o grants sa mga mag-aaral, nagtapos, at mga institusyong nagbibigay ng direktang pangangalaga sa pasyente sa mga lugar na hindi natutugunan ang pangangailangan. Alamin ang tungkol sa mga programa sa pagbabayad ng utang, scholarship, grant, at higit pa.
Mga Inisyatibo
Ang HCAI ay patuloy na tumutuon sa pagbuo ng iba’t iba at epektibong mga manggagawang pangkalusugan kung saan ang lahat ng taga-California ay tumatanggap ng pantay, abot-kaya, at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan.
Mga Manggagawang Pangkalusugan
Ang HCAI ay nangongolekta, sumusuri, at naglalathala ng mga datos tungkol sa mga manggagawang pangkalusugan at pagsasanay para sa mga health professional ng California, at tinutukoy ang mga lugar ng estado kung saan may mga kakulangan ng mga propesyonal sa kalusugan at kapasidad ng serbisyo. Maghanap ng impormasyon sa mga lugar na hindi natutugunan ang pangangailangan, mga datos tungkol sa mga manggagawang pangkalusugan, mga inisyatibo, at higit pa.
Pagiging Abot-Kaya
Office of Health Care Affordability (OHCA)
Kokolektahin, susuriin, at iuulat sa publiko ng OHCA ang mga datos ng kabuuang mga paggastos sa pangangalagang pangkalusugan, at magpapatupad ng mga target sa paggastos na itinakda ng Health Care Affordability Board ng OHCA. Upang matiyak ang balanseng diskarte para pabagalin ang paglaki ng paggastos, isusulong ng OHCA ang high-value na sistema ng pagganap sa pamamagitan ng pagsukat ng kalidad, pagkakapantay-pantay, paggamit ng mga alternatibong modelo ng pagbabayad, pamumuhunan sa pangunahing pangangalaga at kalusugan ng pag-uugali, at estabilidad ng mga manggagawa. Sa pamamagitan ng mga pagsusuri sa gastos at epekto sa merkado, susuriin ng OHCA ang mga transaksyon na malamang na makakaapekto nang malaki sa kompetisyon sa merkado, ang kakayahan ng estado na maabot ang mga target, o pagiging abot-kaya para sa mga konsyumer at mamimili. Batay sa mga resulta ng pagsusuri, ang OHCA ay makikipag-ugnayan sa ibang mga ahensya ng estado upang tugunan ang konsolidasyon kung naaangkop.
Makatwirang Paniningil ng Ospital (Hospital Fair Billing)
Ang Department of Health Care Access and Information ng California ay responsable sa pagpapatupad ng Hospital Fair Pricing Act (Act) simula sa Enero 1, 2024 sa pamamagitan ng Hospital Bill Complaint Program. Sa ilalim ng Batas, ang mga ospital ay kinakailangang magkaroon ng parehong patakaran sa pagbabayad ng diskwento at patakaran sa pangangalaga sa kawanggawa, upang magbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong pasyente. Kung naniniwala kang mali ang pagkakait sa iyo ng tulong pinansyal, maaari kang maghain ng reklamo sa ilalim ng Hospital Bill Complaint Program.
Ang Hospital Bill Complaint Program ay maaari ding mag-imbestiga ng mga reklamo tungkol sa kabiguan ng isang ospital na:
- Bigyan ang mga pasyente ng nakasulat na paunawa tungkol sa pagbabayad nang may diskwento at mga programa nito sa kawanggawang pangangalaga.
- Mag-post ng mga paunawa sa mga pader o dingding ng ospital tungkol sa mga polisiya o patakaran.
- Sumunod sa mga wastong pamamaraan bago magpadala ng medikal na utang sa mga koleksyon / tagasingil.
- Sumunod sa mga kinakailangan o iniaatas ng Batas.
Kung naniniwala kang mali ang pagkakait sa iyo ng tulong pinansyal, maaari kang maghain ng reklamo sa Hospital Bill Complaint Program. Mayroong Patient Complaint Form na maaaring i-download sa maraming wika.
Ang Hospital Bill Complaint Program ay walang hurisdiksyon (awtoridad) sa pangkalahatang pagsingil o mga hindi pagkakaunawaan sa bayarin.
Mga Datos
Pinagsasama-sama ng HCAI at ginagawang galing sa sentro ang mga enterprise data operation gamit ang healthcare analytics, na ginagamit ang karaniwang imprastraktura ng teknolohiya para mapahusay ang aksesibilidad at paggamit ng mga datos para mas mahusay na mapagsilbihan ang lahat ng kliyente at stakeholder ng HCAI. Gumagawa ang HCAI ng mga dataset at mga produkto ng data mula sa iba’t ibang pinanggalingan, kabilang ang mga ulat na isinumite sa HCAI ng mahigit na 8,700 lisensyadong pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan pati na rin ang mga datos ng konstruksyon at mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan na pinamamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa ng mga programa ng HCAI.
Nagbibigay ang HCAI ng mga libreng serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon sa mga wika maliban sa mga serbisyo ng interpretasyon ng English at American Sign Language para makatulong sa pag-abot o aksesibilidad sa mga programa ng HCAI. Kung kailangan mo ng impormasyon na isinalin o gusto mo ng tulong sa interpretasyon, gamitin ang button na “contact us” (makipag-ugnayan sa amin) at magpadala sa amin ng email kasama ang iyong kahilingan.