Tungkol sa Aming Organisasyon
Ang HCAI ay nakatuon sa pagpapalawak ng pantay na aksesibilidad sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng mga taga-California—tinitiyak na ang bawat komunidad ay mayroong mga manggagawang pangkalusugan na kailangan nila, may ligtas at maaasahang mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, at may impormasyon tungkol sa kalusugan na makakatulong para maging mas epektibo at abot-kaya ang pangangalaga.
Mga Larangan ng Programa ng HCAI:
- Mga Pasilidad: sinusubaybayan ang pagtatayo, pagsasaayos, at kaligtasan sa pagyanig ng mga ospital at ng mga pasilidad na may kasanayan sa pangangalaga, at nagbibigay ng loan insurance para sa mga nonprofit na pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan upang mapaunlad o mapalawak ang mga serbisyo
- Mga Manggagawa: itinataguyod ang isang kulturang may kakayahan at magkakaibang lingguwistika na mga manggagawang pangkalusugan
- Pagiging Abot-kaya: pinabubuti ang pagiging abot-kaya ng pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga datos, mga target sa paggastos, at mga hakbang upang mapasulong ang kahalagahan. Ipinatutupad ang mga proteksyon sa pagsingil sa ospital, at nagbibigay ng mga generic na gamot sa mababa at malinaw o hayag na presyo
- Mga Datos: nangongolekta, namamahala, nagsusuri at nag-uulat ng mga impormasyon tungkol sa kabuuang anyo o landscape ng pangangalagang pangkalusugan ng California
Mga Mahahalagang Dokumento
Gamitin ang mga item sa ibaba para sa paghahain ng reklamo tungkol sa isang bayarin sa ospital.
- Programa sa Makatwirang Paniningil ng Ospital (Hospital Fair Billing Program)
- Form para sa Awtorisadong Kinatawan (Authorized Representative Form)
- Form para sa Pagpapalabas ng Impormasyon (Release of Information Form)
Gamitin ang mga item sa ibaba upang makatulong sa pagbabayad para sa iyong pagsasanay at edukasyon.
- Manggagawa para sa kalusugan ng komunidad/Promotor(a)/Impormasyon ng Kinatawan
- Aplikasyon para sa Allied Healthcare Scholarship
- Aplikasyon para sa Behavioral Health Scholarship